ang adventure...at ang sequel
--------------------------------------[Edit] ung first adventure...nangyari sometime in Dec 'o4 ata....tapos ung sequel...friday lang ng week na toh...Feb 05...so aun...naalala ko lang...at nakalimutan ko na i-post noon...so aun...XD-------------------------------------The horse, the dragon and the pig in the big city
Isang araw, may isang horse, isang dragon, at isang pig na napasyahang maglakbay at makipagenkwuentro sa isang bahagi ng malaking ciudad, may katamtamang distansya mula sa kanilang paaralan.
Ninanais nilang pumunta roon sa lugar na iyon upang maghanap ng mga bilog na plastic na ginagamit sa mga box na pinagmumulan ng mga boses ng taong kumakanta ngunit wala silang katawan.
anywayLumabas sa gate ang tatlo,at nagusap sila ukol sa paraan ng paglalakbay roon.
Napag-desisiyunan nila na mag-tataxi sila.
10 minuto ang nakalipas. hindi pa rin sila nakasakay at pinapagalitan na ng horse at dragon ang pig,
dahil ang pig ang nag-suggest na mag-taxi sila. Tumawid sila sa isla sa gitna ng kalye.
5 minuto ang nakaraan, at hindi pa rin sila nakakasakay.
Bumalik sila sa harapan ng paaralan at naghintay muli. Sa puntong ito ay iniisip na ng horse na pinagtatawanan sila ng mga pedicab drivers sa tapat ng paaralan dahil di sila marunong mag-commute.
paranoid lang siya.
Inamin ng dragon na hindi sya marunong mampara ng taxi. pinagtawanan lamang sya ng pig. nainis ang dragon at nanahimik na lamang ang pig.
pagkalipas ng 30 segundo....Namataan ng tatlo ang isang taxi sa kabilang kalye. wala itong laman, ngunit kailangan ng tatlo na tumawid muli patungo sa island upang makasakay rito. agad-agad na tumawid ang tatlo, at dahil natuto na ang dragon sa pagpara, nakasakay rin sila sa wakas.
ilang minuto ang lumipas, at nakarating na rin sila sa destinasyon nila.pinasok ng tatlo ang gusali, sa isang lugar na tinatawag na "NBS".
wala silang nakita na mga bilog na plastic na pinapatugtog, kaya pinasok na rin nila ang isa pang tindahang nagngangalang "tower records". Nakita nila na nagbebenta sila ng bilog na plastik, ngunit ang laman ng mga iyon ay di nila kinakailangan.
Nang paakyat sila sa pangalawang palapag ng tindahan, tinigil sila ng isang matanda.
Inakala siguro ng matanada na staff sila roon, dahil naka-uniform sila with matching id pa.
may dumating na matandang babae. kinausap si pig at si horse. Nalaman ng babae na estudyante pala sila sa paaralan na tinatawag na "philippine science high school". Kinuwento ng babae na ang anak nya rin ay nagaaral roon.
Umalis na ang ang babae at matanda.
Natulala si pig at si horse, at naalalang isa palang artista ang babae,
at gumaganap sa mga kontrabida roles sa telebisyon.
Umakayat ang dalawa at nakita si dragon. Kinuwento sa kanya ang nangyari sa ibaba,
at patuloy nilang hinanap ang bilog na plastik. Nakita nila ito,
at inisipang bumili na lamang ng dalawa.
Nalaman ni horse ang totoong rason kung bakit sila bumili ng mga bilog na plastik:
upang magkaroon ng proyekto sa kanilang asignatura na musika.
kaya pala....Nagutom ang tatlo, at naghanap ng makakain.
Inakala ni pig at ni dragon na may "starbucks" sa loob ng gusali,
ngunit wala silang nagisnan doon. bumili na lamang sila ng pagkain sa isang tindahan na tinatawag na
"Chapati" at nagsiu-uwian na. Nagabang muli sila sa may labas ng gusali para sa isang taxi,
at gamit ang pagong abilidad ni dragon sa pagpara ay nakasakay sila muli at nakabalik sa kanilang paaralan.
to be continued...----------------------------------------------------LABO!!!
----------------------------------------------------